| Forum Home > Book Reviews > October 28, 2009 Book Release | ||
|---|---|---|
|
Precious Pages Photo Maker Site Owner Posts: 84 |
1. PHR 3233 Miss Kulit Meets Mr. Sungit by Dawn Igloria
Napansinagad ni Alexa si Johndy dahil cute ito kahit seryoso ang mukha. Kayagumawa siya ng paraan para makilala ito. Ngunit hindi siya nitopinansin. Hindi siya pumayag na i-snub-in nito ang beauty niya.“Alam mo, mukha ka pa namang doktor pero simpleng sagot lang sa taongmagalang na nagpapakilala sa iyo, binastos mo pa.” Kumunot ang noonito. “Look, hindi ko na siguro kasalanan kung pusong-mamon ka.Nagmamadali ako. Wala akong oras sa mga babaeng gusto lang magpapansinsa akin.” Alexa was dumbfounded. Hindi lang pala ito suplado,may-pagka-conceited pa. Na-challenge siya rito. Paaamuin niya itohanggang sa mahulog ito sa mga kamay niya. Kaya lang, hindi pala ganoonkadaling mahalin ito. Balde-balde na ang ipinawis niya sa paghabol ditopero ibang babae pala ang kinahuhumalingan nito...
2. PHR 3234 A Duchess For Duke by Camilla
Walangkarapatan si Mallory na magwala nang mahuli niya ang kanyang “asawa” atang isang babae na magkaulayaw. Peke ang kasal nila ni Duke. Bukoddoon, nauna ang babaeng iyon sa buhay nito. Sa labis na sama ng loob aynaaksidente siya at nagkaroon ng amnesia. Nang muling magtagpo silani Duke, isa na itong estranghero. And Mallory fell in love with the“stranger” so easily. Pakiramdam niya ay wala nang katapusan angkaligayahan niya—hanggang sa masauli ang kanyang memorya at matuklasanniya ang kaugnayan nila sa isa’t isa…
3. PHR 3235 Sana Bukas, Tayo Pa Rin by Elizabeth McBride
Batapa lang si Mara ay naiinis na siya kay Elija. Para sa kanya ay hindikarapat-dapat ito na maging ring bearer. Hindi kasi nito iningatan angwedding ring na simbolo ng pagmamahalan ng mga ikakasal. Sa paglipasng mga taon, hindi niya inaasahang iibigin nila ang isa’t isa.Pinatunayan nito sa kanya na mali ang lahat ng sapantaha niya rito.Pero sa kabila niyon ay iniwan niya ito sa araw mismo ng kanilang kasaldahil sa tawag ng obligasyon sa pamilya. Labis nitong dinamdamiyon. Hindi nito sinagot ang mga sulat niya. Ilang taon ang lumipasbago niya natanggap na hindi sila ang para sa isa’t isa kahit ito angkaisa-isang lalaking minahal niya. Saka niya nadiskubreng iniingatan parin nito ang kanilang wedding ring…
4. PHR 3226 Ang Ambisyosang Nagmahal: Mimi by Camilla
SiMimi na lang ang natitirang walang asawa at nananatiling pobre samagkakaibigan. Dahil sa pagkapikon sa nanay niya na ayaw siyangpag-asawahin para huwag maputol ang pagtataguyod niya sa pamilya nila,naglayas siya at lumuwas sa Maynila. Doon ay naging personal assistantsiya ng sikat na singer na si Clide Benito. Sa biro ng tadhana,minsang nalasing sila ay may nangyari sa kanila. Dahil doon,nagsimulang umasa ang puso niya. Pero alam niya, hindi siya magigingkasimpalad ng mga kaibigan niya pagdating sa pag-aasawa. Alam niyangmasasaktan lang siya kapag hinayaan niya ang sariling magumon sapag-ibig niya kay Clide. Kaya bago pa siya maitaboy nito, siya na angkusang lalayo...
5. PHR 3237 Chasing Yohan by Claudia Santiago
Siguradung-siguradosi Yohan na hindi ang tipo ni Dom ang lalaking magugustuhan niya.Mahilig siyang magsaya samantalang ito ay laging seryoso sa lahat ngbagay. Isa pa, wala silang pinagkakasunduang kahit ano. Pero isangpangyayari ang naging sanhi upang dito siya dumepende, magtiwala, atkumuha ng lakas. At sa bawat araw na nakakasama niya ito, nakita niyakung gaano ito kabuti. Masaya ito sa simpleng buhay at batid niyangbahagi siya ng kasiyahang iyon. Dahil kapag tumitingin ito sa kanya,nasa mga mata nito ang kislap ng pagmamahal at pag-aaruga sa kanya.Batid niya, sa piling nito ang buhay na gusto niya. Hanggang sa bigla na lang sumulpot ang dating nobya nito na nagsasabing nais nitong bumalik sa buhay ni Dom. Papayag ba siya?
6. PHR 3238 Angelo, My Shining Treasure by Victoria Amor
Isangkakatwang paid role ang tinanggap ni Marga sa pakiusap ng half sisterniya. Wala siyang kaide-ideya na dalawa pala silang artista sa palabasna iyon at isa lamang ang subject nila. Lalong wala siyang ideya na samga susunod na araw ay isang panghabang-buhay na role ang gagampananniya sa parehong partner—si Angelo, ang lalaking wala yatang oras nahindi nakangiti. Naisip niyang ito ang kailangan niya para magkaroon ngkulay at sigla ang malungkot na existence niya. And Angelo did give her exactly what she needed—a companion and friend. Kungsana ay kaya niyang paghilumin ang sugat sa puso nitong dulot ngnakaraan nito at baguhin ang pintig ng puso nitong tumitibok para saisang babae lamang…
7. PHR 3239 Love Contract by Laurice del Rio
Kabaligtaran si Verna ng mga babaeng gugustuhin ng mama ni Warren namapangasawa nito. Pero dahil may ibang motibo ang binata ay kinulitsiya nitong maging girlfriend nito. Handa pa itong magbayad nang malakipumayag lang siya. Medyo nainsulto siya nang malaman niya ang rasonkung bakit pero gusto rin niya ng mapaglilibangan kaya pumayag siya.Siniguro nga lang niya na may mahihinata siya. Things seemed towork out well. Hanggang sa matuklasan ni Verna na parang nag-iiba naang damdamin niya para sa binata. Kung hindi ba naman siya tinamaan ngmatinding kabaliwan, diyata at nai-in love na siya rito? Nagkaletse-letse na ang lahat nang may bumalik sa buhay ni Warren. Atsa pagkakataong iyon ay tila iisa ang opinyon nito at ng mama nito.That woman was THE one for him. Wala na yatang magagawa si Vernan kundipulutin ang mga tipak ng kanyang nagkapira-pirasong puso.
8. PHR 3240 Somewhere In My Heart (Tales Of The Traveling Bling): Trini by Rose Tan
Naiwangnakatunganga sa pansitan si Trini nang ipagpalit siya ng boyfriend niyasa best friend niya at lokohin pa siya ng mga ito sa negosyo. Hindi nayata matatapos ang kamalasang dumapo sa kanya kaya nang may nag-alok sakanya ng pampasuwerte raw na bracelet ay binili niya. Ang kaso,imbes na suwerte ang dumapo sa kanya ay nadagdagan lang ang malas sabuhay niya. At iyon ay sa katauhan ni Ondoy, ang beterinaryongoverwhelming ang tuliling. Pero kailangan niyang pakisamahan ito dahilito na ang bagong landlord niya. Pero may ginintuang-puso palaang lalaki. Nang kailanganin niya ang tulong nito ay hindi itonagdalawang-isip na magpanggap bilang ex-boyfriend niya, makalusot langsa imposibleng sitwasyon kinasuungan niya. Sumobra lang ang “acting”nito, tuloy ay kailangan nilang magpakasal.
9. PHR 3241 Aifa by Camilla
Nakilalani Aifa si Sigmund nang panahong kailangan niya ng makakausap. Sheenjoyed his company, until they ended up in bed. Pakiramdam niya aynawala siya sa kasalukuyang mundo niya dahil nasa piling siya nito. Nangmagkalayo sila ay itinangi at itinago niya ang mga sandaling iyon sapuso niya. Alam niyang mali ang ginawa niya. Handa na siyang ituwid anglahat nang magkrus muli ang mga landas nila. Muling nagising angdamdamin niya para dito. Pero mukhang imposibleng magkaroon iyon ng tugon—dahil halos madurog siya sa paraan ng pagtingin nito sa kanya...
10. PHR 3242 Somewhere In My Heart (Tales Of The Traveling Bling): Blinky by Rose Tan
Secretcrush ni Blinky si Melencio noong high school days nila. Fifteen yearslater, hindi na secret iyon at hindi na rin niya crush ang lalaki.Mayabang na kasi ito. Pero ibinubuyo sila sa isa’t isa ng mga datingkamag-aaral nila na nagpaplano ng kanilang reunion. Para matigil angmga ito ay sinabi niyang “in a relationship” na siya. Madali langmaghanap ng boyfriend kung kailangan niyang may maipakita sa mga ito. Hindipala. Sobrang hirap pala. Sa kadesperaduhan ay isang “taong-grasa” angnaisip niyang paliguan at bihisan para maiprisintang boyrfriend niya. “Baka drawing lang `yan,” komento ni Melencio. Bakit ba ayaw maniwala ng tinamaan ng magaling? | |
| ||